HADLANG sa interes ng US sa bansa si Pastor Apollo C. Quiboloy ayon kay Prof. Herman Laurel.
Walang pag-aalinlangan na inilahad ng isang beteranong historian at geopolitical analyst ang ginagawang panghihimasok at panggagamit ng Estados Unidos sa gobyerno at mga politiko sa bansa para patigilin ang paglalahad ng katotohanan sa kalagayan ng kasalukuyang administrasyon.
“Ganyan po talaga ang operations ng America, sila ay humahawak po ng key political and economic ‘wag natin kalimutan economic actors sa bansa at kinokontrol nila ang mga bansa through itong tinatawag nila sa US proxi’s, para wala pong hadlang sa kanilang mga plano, lahat ng nagsasabi, nagpapaliwanag ng buong katotohanan na nakakasira sa plano ng Estados Unidos ay kailangan nilang tirisin,” pahayag ni Prof. Herman Laurel, Historian Geopolitical Analyst.
Mula sa iba’t ibang mga pahayagan sa loob at labas ng bansa na inilalathala ng mga tanyag na mga mamamahayag at ibang mga media ay ‘di na sekreto ang mga ginagawang operasyon ng Estados Unidos sa pamamagitan ng Central Intelligence Agency (CIA) para maisulong ang kanilang interes sa isang bansa.
Isa na lang sa binigyang-diin ni Prof. Herman Laurel, isang beteranong historical at geopolitical analyst, ang mga humahadlang sa interes ng Estados Unidos ay kanilang inooperate o sa madaling salita ay kanilang pinapabagsak.
“Kasi ‘yang kadiliman na dala ng Estados Unidos bubutas po ‘yan pag may liwanag na pilit na pumasok no, ayaw po nila yan, either propaganda, brainwashing will not work, hindi po uubra ang brainwashing po nila kung meron katotohanang lumulusot, parang sinag ng bituin ‘yung mga katotohanan na ‘yan eh. Tulad po ng ginagawa ng Estados Unidos laban kay Pastor Quiboloy ano, ‘yan din gusto nilang i ano tamaan, to blind the people from the truth that comes out from the work of Pastor Quiboloy ano,” dagdag ni Laurel.
Dagdag pa ni Laurel, na kinakailangang suportahan si Pastor Apollo C. Quiboloy para sa pakikipaglaban sa katotohanan.
Sa kabilang banda naman ay diretsong inihayag ni Laurel kung papaano ginagamit ng Amerika ang gobyerno at mga politiko sa kanilang agenda.
“This is a real danger, tama si Pastor Quiboloy na behind sila Risa Hontiveros, behind this government is the tentacles of the American and the FBI and the CIA,” ayon pa kay Laurel.
Tanging mensahe na lang ni Laurel kay Pastor Apollo ay magdoble ingat sa operasyon na posibleng gawin sa kaniya ng Estados Unidos.
