Toll Regulatory Board, inaasahan ang pagdagsa ng maraming sasakyan sa tollways

Toll Regulatory Board, inaasahan ang pagdagsa ng maraming sasakyan sa tollways

INAASAHAN na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang pagdagsa ng mga sasakyan sa tollways ngayong Semana Santa.

Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpuz, marami nang inilagay na traffic signages at pagdi-deploy ng karagdagang ambulant tellers, enforcers, patrol officers, at maging security guards sa entry at exit points ng iba’t ibang expressways.

Kaugnay rito, sa hanay ng mga pulis, nasa 34-K ang ipakakalat nila sa iba’t ibang terminals, airports, at pantalan.

Magsisimula ang Holy Week sa Marso 24-31.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble