Sen. Cynthia Villar iginiit na may maraming trabaho sa masaganang ani

Sen. Cynthia Villar iginiit na may maraming trabaho sa masaganang ani

IPINAHAYAG ni Senate Committee on Agriculture and Food Chairperson Sen. Cynthia Villar na mababawasan ang pangangailangan nating mag-import ng agricultural products kapag masagana ang ani.

Ipinunto niya na kung masagana ang ani mula sa mga sakahan ay sagana rin ang mga produktong nabibili ng mga consumer sa merkado.

Bukod rito ay maari din makipagkumpetensiya ang ating mga magsasaka sa global market sa pamamagitan ng pag-exports.

Iginiit din ng senador na magkakaroon ng maraming trabaho sa kanayunan kapag masagana ang ani sa agrikultura.

Naniniwala siya na sa pagsusulong ng rural development ay malaking tulong ito sa paglago ng ekonomiya.

“If there is assurance of income in agriculture, the young people will go back to agriculture and many OFWs will be encouraged to go home and be with their families because they can earn here,” sabi pa ni Villar na isang OFW advocate.

Sinabi rin niya na kapag available sa mababang presyo ang local products gaya ng gulay, prutas, livestock, poultry at dairy, may suplay para sa kanilang pagkain at inumon ang mga restaurant, merkado, supermarket, manufacturers, importers at consumers.

“That is food security,” dagdag ng senador sa food expo na ngayo’y nasa ika-16 taon.

Inorganisa at pinangunahan ang event sa World Trade Center sa Pasay City ng Philippine Food Processors and Exporters Organization (PHILFOODEX) na nangungunang food industry association.

Lumahok dito ang mahigit 300 local growers at entrepreneurs sa food and beverage industry na nagpakita sa traders, buyers at consumer ng kanilang mga natatanging produkto. Ang Expo ay ginanap mula Abril 12-14.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble