Blake Griffin, magreretiro na sa NBA

Blake Griffin, magreretiro na sa NBA

INANUNSIYO ng basketbolistang si Blake Griffin na magreretiro na ito mula sa kaniyang 14-year career sa NBA.

Sa kaniyang social media post, sinabi ni Griffin na lubos niyang na-appreciate ang bawat sandali habang naglalaro ito sa NBA.

Aniya, dahil dito ay hindi niya malilimutan ang 14 na taong iginugol niya sa paglalaro ng basketball.

Si Griffin ay nakapaglaro na para sa Los Angeles Clippers, Detroit Pistons, Brooklyn Nets, at Boston Celtics.

Nanalo na rin ito ng Rookie of the Year Award at kasali sa anim na All-Star Selections.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble