NAILIGTAS at nailagay na sa kustodiya ng Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng Department of Justice (DOJ) ang apat na Filipina na biktima ng human trafficking matapos pangakuan ng trabaho bilang waitress sa China.
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na hinimok ng isang babaeng Taiwanese ang walong Pinay kasunod ng pangako ng trabaho sa China.
Inutusan umano ng suspek ang mga biktima na magpanggap bilang mga turista papunta sa Hong Kong at doon na nila makukuha ang visa papuntang China para doon magtrabaho.
Ang suspek o illegal recruiter ay inilagay na sa blacklist ng Bureau of Immigration para hindi na makabalik dito sa ating bansa.