NGCP, inilagay na sa Yellow Alert ang mga grid ng Luzon at Visayas

NGCP, inilagay na sa Yellow Alert ang mga grid ng Luzon at Visayas

INILAGAY na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang mga grid ng Luzon at Visayas.

Sa abiso ng NGCP, ang Luzon grid ay isinailalim sa Yellow Alert simula kaninang 1:00 ng hapon hanggang ngayong 5:00 ng hapon at mamayang 6:00 hanggang 10:00 ng gabi.

Habang ang Visayas grid naman ay nagsimula ang Yellow Alert simula kaninang 1:00 ng hapon hanggang mamayang 8:00 ng gabi.

Ang ibig sabihin ng Yellow Alert ay manipis ang reserbang kuryente.

Ito ay inilalabas kapag ang operating margin o ang sobrang kapasidad ng mga nag-ooperate na planta ay hindi sapat para matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.

Sa Luzon grid, 18 power plants ang nasa forced outage habang dalawa pa ang nag-operate sa limitadong kapasidad, na may kabuuang kapasidad na 1,518.9 megawatts.

Sa Visayas naman, 20 power plants ang nasa forced outage habang siyam naman ang nag-ooperate sa limitadong kapasidad na may kabuuang kapasidad na 604.4 megawatts.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble