Convict na si Cedric Lee, sumuko sa NBI

Convict na si Cedric Lee, sumuko sa NBI

KUSANG sumuko ang convict na si Cedric Lee sa NBI.

Ito ay matapos nahatulan ng Taguig Regional Trial Court (RTC) ng habambuhay na pagkakakulong ang mga nasa likod ng pambubugbog sa actor-TV host na si Vhong Navarro noong January 2014.

Isa si Lee sa kabilang sa mga lumitaw na guilty sa kasong serious illegal detention for ransom, kasama ang model na si Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero, at Zimmer Raz.

Kinansela na rin ang bail bond ng mga akusado at inaresto na sila matapos basahan ng hatol.

Habang P300,000 naman ang inirekomendang bayad pinsala para kay Navarro.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble