Cedric Lee, Deniece Cornejo at 2 pa, guilty at habang-buhay na makukulong kaugnay sa kaso ni Vhong Navarro

Cedric Lee, Deniece Cornejo at 2 pa, guilty at habang-buhay na makukulong kaugnay sa kaso ni Vhong Navarro

HINATULAN ng mababang hukuman na makulong ng habang buhay na pagkabilanggo sina Cedric Lee, Deniece Cornejo at dalawa pa, matapos napatunayang guilty sa kasong serious illegal detention for ransom na inihain ng actor-host na si Vhong Navarro.

Magugunitang ang negosyanteng si Cedric Lee ang unang tumestigo sa hearing ng petition for bail ni Vhong Navarro, na inakusahan ng panggagahasa sa model na si Deniece Cornejo.

Samantala 2018 naman ay sina Cedric at Deniece ay nahatulan ng korte na guilty sa kasong grave coercion dahil sa pambubugbog, pananakot, at pangingikil ng pera kay Vhong Navarro.

Sa record ng korte ay umabot ng 10 taon ang naging imbestigasyon at ngayon ay naglabas na ng resulta ang Taguig Regional Trial Court hinggil sa kaso.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble