GAMIT ang Black Hawk helicopter ng Philippine Air Force Tactical Operations Group 2 (TOG 2), aminado sila na hindi naging madali ang ginawa nilang operasyon para wasakin ang halos P1-B halaga ng mga tanim na Marijuana sa Tinglayan, Kalinga.
Pinangunahan ang 9 na araw na operasyon ng PNP Drug Enforcement Group katuwang ang AFP, PCG, at PDEA.