PH Air Force, naghatid ng tulong sa Agta Community sa Nagtipunan, Quirino

PH Air Force, naghatid ng tulong sa Agta Community sa Nagtipunan, Quirino

NAGHATID ng tulong ang Tactical Operations Group 2 (TOG-2) ng Philippine Air Force sa Agta Community sa Purok Dioryong Brgy. Dissimungal, Nagtipunan, Quirino nitong Linggo Oktubre 1, 2023.

Nasa 100 pamilya ang nakatanggap ng grocery items, bigas, binhi ng mais, at mainit na lugaw.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng TOG-2.

Katuwang ng TOG-2 sa pagbibigay ng tulong ang iba’t ibang stakeholders tulad ng ACDI Multipurpose Cooperative Gamu Branch, Eagles Club Cauayan Chapter, Department of Agriculture-2, at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter