The Kingdom of Jesus Christ, suportado ang mass vaccination campaign ng Davao City

The Kingdom of Jesus Christ, suportado ang mass vaccination campaign ng Davao City

BILANG pagsuporta sa vaccination campaign ng lungsod ng Davao, nakiisa ang mga miyembro ng The Kingdom of Jesus Christ para sa vaccination kontra COVID-19.

Kaninang alas-7:00 ng umaga, pinasimulan na mismo sa Kingdom  of Jesus Christ headquarters ang pagbabakuna sa mga eligible na mga miyembro ng kongregasyon, partikular na ang mga napapabilang sa A2 o mga senior citizens, A3 o mga persons with comorbidities at A4 o mga essential workers.

Nasa 400 doses ng Sinovac COVID vaccines naman ang na-administer sa mga nagpapabakuna sa tulong na rin ng mga volunteer nurses and doctors at iba pang health workers mula sa Jose Maria College, College of Medicine.

Matatandaang paulit-ulit na ang panawagan ni Mayor Sara Duterte sa mga Dabawenyo, na magpabakuna kontra COVID-19, dahil napatunayan na ito ng mga pagsusuri at pag-aaral ng mga eksperto na epektibo ito pangontra sa COVID-19.

Suportado naman ito ng Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Samantala, patuloy ang panawagan ni Davao City COVID-19 Task Force spokesperson Dr. Michelle Schlosser sa publiko na patuloy na sumunod sa mga COVID-19 protocols at guidelines, at maging sa mga minimum health standards kahit bakunado na ang mga ito.

SMNI NEWS