400 bagong coast guardians, nagtapos ngayong taon

400 bagong coast guardians, nagtapos ngayong taon

PINURI ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagtatapos ng 400 bagong coast guardians ng Coast Guard Non-Officers’ Course Class 107 – 2023 “Sidtala-Bagsik,”

Pinangunahan ni Coast Guard Education, Training and Doctrine Command (CGETDC) Commander, CG Vice Admiral Charlie Rances, ang seremonya na ginanap sa Regional Training Center Bataan in Bagac, Bataan, noong Mayo 21, 2024.

Ayon kay Vice Admiral Rances, ikinatutuwa nila ang naging pasya ng mga bagong coast guardians na piniling magsilbi sa bayan lalo na sa mga panahon ng kagipitan partikular na sa mga hamon at hagupit ng kalikasan.

“By standing as graduates, you have proven toughness under pressure, competence in the harshest environments, and the ability to endure and thrive despite hardships and duress,” ayon kay Vice Admiral Charlie Rances, Commander, Coast Guard Education, Training and Doctrine Command (CGETDC).

Agad na pinayuhan ang mga graduate na maghanda sa mga bago nitong assignment anumang oras ngayon bilang katuwang sa pangangalaga sa kalikasan at proteksiyon ng mamamayan lalo na sa pagtatanggol sa mga karagatang sakop ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter