LUMAGDA ang Pilipinas at Sweden ng kasunduan kaugnay sa pagbili ng multi-role fighter (MRF) aircraft na gagamitin ng Philippine Air Force.
Nilagdaan ito noong Mayo 17 batay sa social media post ng Embassy of Sweden sa Manila kasabay ang ilang mga larawan bilang patunay.
Ang pagbili ng MRF aircraft ay bahagi ng Re-Horizon 3 o ang final stage ng three-phase revised Armed Forces of the Philippines modernization program.
Samantala, noong Hunyo 3, 2023 ay nagkaroon na ng memorandum of understanding ang Pilipinas at Sweden hinggil sa acquisition ng defense material mula Stockholm sa kabuuan.