MGA robot na aso, kasama na ang isa na may baril na maaaring makipag-bakbakan sa giyera ang ipinadala ng China sa kasalukuyang joint military exercise sa Cambodia na tinawag na Golden Dragon 2024 Exercise.
Ayon sa isang Chinese state-run media, isang robot na aso na may timbang na higit sa 50kg at may dalang assault rifle sa likuran, ang namuno sa isang atake sa isang gusali kung saan nagtago ang ilang mga pekeng terorista
Ginamit din ang isa pang robot na aso na maaaring magpadala ng real time information sa isang command center.
May timbang ito na 15 kg at mayroon itong four-dimensional na super-wide-angle sensing system.
Maraming uri ng iba pang bagong kagamitan, kasama na ang mga drone na idinisenyo para sa armed reconnaissance at transport tasks, ang isinama rin sa nasabing military drill.
Ang taunang Golden Dragon exercise sa Cambodia ay unang isinagawa noong 2016. Ang pagsasanay ngayong taon ay nagsimula noong Mayo 16 at magtatagal hanggang sa Huwebes.