DOT, target na maging “Muslim-friendly” tourist destination ang Pilipinas 

DOT, target na maging “Muslim-friendly” tourist destination ang Pilipinas 

ISINUSULONG ng Department of Tourism (DOT) na makamit ang Halal Tourism.

Ibig sabihin nito ani DOT Usec. Myra Paz Abubakar, bukod sa halal na mga pagkain ay pinapalakas din nila ang halal establishment.

Bukod dito, target din ng DOT na makamit ang pagiging “Muslim-friendly” tourist destination ng Pilipinas.

Sa datos ng DOT, tumaas ng 120% ang dami ng mga turistang Muslim na bumisita sa bansa nitong 2023 kumpara noong 2022.

Bukod pa aniya dito ang mga kababayan nating Muslim na bumibisita sa mga tourist destination sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

At para naman mas makahikayat pa ng mas maraming Muslim tourists, nakikipagtulungan na rin ang DOT sa mga travel agency.

Magugunitang muling napabilang ang Pilipinas sa “Emerging Muslim-Friendly Destinations” ng non-members of the Organization of Islamic Cooperation (OIC) sa ikalawang sunod na taon.

Batay ito sa resulta ng Mastercard-Crescentrating Global Muslim Travel Index.

Taong 2023 nang unang mapabilang sa Global Muslim Travel Index ang bansa dahil na rin sa pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble