Napatay ng Israeli Army ang isang senior commander ng Lebanese militant group na Hezbollah matapos ang isang pag-atake nila nitong Miyerkules, July 3.
Ito na ang ikalawang top field leader ng Hezbollah na nasawi wala pang isang buwan.
Ikinakatakot na ng ilang international diplomats ang halos araw-araw na palitan ng pag-atake sa pagitan ng Israel At Hezbollah.
Maaaring maging sanhi anila ito upang magkaroon ng hiwalay na digmaan ang dalawa.
Sinasabi namang mas makapangyarihan ang Hezbollah sa Hamas lalo na’t tinutulungan ito ng mga militanteng grupo rin sa Iran.
Maliban pa dito ay marami rin silang rockets at missiles na may kakayahang paulanan ang Israel.