INANUNSIYO ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., na ang patch ng Bandila ng Pilipinas ay magiging mahalagang bahagi ng battle dress uniform ng AFP.
Ito ang inihayag ng opisyal sa isang pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo, aniya ito ay isang makabuluhang simbolo ng na maipagmamalaki ng ating bansa.
Layunin ng inisyatibang ito na palakasin ang patriotismo at pagkakaisa ng AFP sa pagpapanatili ng mga karapatan at teritoryal na integridad ng Pilipinas.
Ang nasabing anunsiyo ay sumasalamin sa pagsisikap ng AFP na magbigay ng malinaw na representasyon sa pagtupad ng kanilang misyon nang may karangalan at pagmamalaki.