Ilulunsad na P45-48/kilo bigas, para na sa lahat—DA

Ilulunsad na P45-48/kilo bigas, para na sa lahat—DA

BINIGYANG-diin ng Department of Agriculture (DA) na para sa lahat na ang ilulunsad rin nila na abot-kayang bigas sa halagang 45 hanggang 48 pesos.

Ayon kay da Asec. Genevieve Guevarra, dito ay wala silang ipatutupad na limitasyon kung ilang kilo ang bibilhin ng isang mamimili.

Una naman itong ilulunsad sa mga Kadiwa center bago sa ibang mga pamilihan.

Noong Biyernes, July 05 ay una nang nailunsad sa sampung Kadiwa stores ang 29 pesos na bigas para sa mga vulnerable sector gaya ng persons with disabilities, solo parents, senior citizens at indigenous people.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble