ARESTADO ang tatlong katao matapos na isinagawa ang buy-bust operation sa Marikina kung saan P1.7-M halaga ng shabu ang nakumpiska.
Sa pamamagitan ng maigting at pinalakas na kampanya kontra iligal na droga ng Marikina City pulis station naaresto ang mga ito.
Kinilala ang mga suspek sina Edgardo Julian alyas Panyong na isang high value target, Crystal Pearl Labrador alyas Negra na kasama na sa watchlist ng Marikina CPS at Rose Ann Aquino.
Nahuli ang tatlo sa isang subdivision sa Brgy. Nangka, Marikina.
Nasa 250 grams ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 1.7 million pesos ang nakumpiska mula sa mga suspect.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 Section 5 at 11 ang tatlo.
Pinuri naman ni General Danao ang pagsisikap ng mga operatiba para masawata ang iligal na kalakaran ng droga sa kabila ng pandemya.
At muli din hinimok ng heneral ang publiko na agarang i-report o makipag-ugnayan sa kapulisan kung may nalalaman silang kahina-hinalang aktibidad sa paligid upang matiyak ang seguridad sa komunidad.
“Sa kabila ng paglaban natin sa kasalukuyang pandemya, pinupuri ko ang ating mga operatiba sa pagsusumikap na mahuli ang mga taong may kinalaman sa mga iligal na droga at masawata ang paglaganap nito dito sa ating rehiyon. Kinikilala ko ang papel na ginagampanan ng publiko sa aming kampanya. Ang impormasyong iniuulat nila sa amin ay mahalaga sa aming adhikain na maging malaya ang ating komunidad sa iligal na droga. Muli, kami ay nakikiusap sa ating mga kababayan na hwag po kayong mag atubili na magreport sa inyong kapulisan, magtulungan po tayo para sa pagkakaroon ng tahimik at maayos na komunidad, rehiyon at bayan,”ayon kay PMajGen Vicente Danao Jr.