ANOTHER milestone for the P-pop group na SB19 dahil mahigit 100 million na ang views ng lyric video ng kanilang hit song na “Mapa”.
With this, pinasalamatan na rin ng members ang lahat na sumuporta sa kanila lalo na ang fans sa pamamagitan ng isang Instagram live noong Hulyo 9, 2024.
Mapapansin na ang lyrics ng “Mapa” ay relatable nga rin naman dahil sentro ito sa pagmamahal ng isang anak sa kaniyang mga magulang at parental figures.
Kung tutuusin, hindi lang din ito basta-basta na uri ng kanta.