NAARESTO sa drug buy-bust operation ang isang 44 anyos na lalaki na kasama sa high value target drug personality ng PDEA R.O NCR at nakumpiskahan ng 1000 gramo ng hinihinalang shabu.
Ang buy bust operation ay pinangunahan ng PDEA RO-NCR Quezon City District Office, Police Sub-Station 1 Drug Enforcement Unit ng Valenzuela City Police Station.
Ang drug operation ay ikinasa ng alas 11:30 ng gabi ng Hulyo 16, 2024 sa lugar ng Captain Cruz St. kanto ng Service Road Parade Valenzuela City.
Sa report ng PDEA team leader ng R.O NCR kay Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang suspek na si Nashrea Ibay Manga ‘alyas ‘ Nash, 44 anyos nasa high value target ng PDEA at tubong Maguindanao, walang trabaho, nakatira sa Brgy. Hitsura Maguindanao.
Nasamsam sa suspek ang isang paper bag nasa J&T Express plastic bag na naglalaman ng isang brown paper bag na naglalaman ng 10 knot tied plastic bag 1000 grams na hinihinalang white crystalline substance na pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa shabu nasa P6.8-M na halaga, bukod sa droga ay nakumpiska rin bilang ibidensiya ang isang unit ng Toyota Rush na may Plate No. NDB 4297, isang unit na android cell phone, at boodle money.
Ang suspek ay nakapiit na ngayon sa PDEA NHQ R.O NCR jail facility sa lungsod Quezon at nahaharap sa kasong paglabag ng Seksyon 5, Artikulo II ng RA 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.