KOJC Administrator, may babala sa walang pakundangang harassment ng PNP

KOJC Administrator, may babala sa walang pakundangang harassment ng PNP

NAGSALITA na ang Chief Executive Office ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) kaugnay sa patuloy na nararanasang harassment ng KOJC sa mga awtoridad at gobyerno ng Pilipinas. Nagbigay rin ng babala ang KOJC Administrator na huwag sasagarin ang kabutihan at pasensiya ng mga KOJC missionary.

‘’Pero itong sinasabi ko sa inyo. ‘Wag ninyo kaming sagarin, ‘wag ninyo kaming sagarin, matino kami, matino kaming kausap, matino kaming Kingdom citizen, matino kaming Filipino citizen. Kaya ‘wag kayong ganun ganun na. Akala niyo natatakot kami dyan sa mga patrol patrol ninyo na ‘yan? Kung totoo kayong mga law enforcer, aba dapat ‘yun bang dapat proud kayo o di ba kaya may mga pangalan. Aba nahihiya na kayong ipakita ang mukha ninyo. Kasi nga, mula kayo sa kadiliman,’’ ayon kay Sis. Nelida Lizada, Chief Executive Officer | KOJC

‘’Tingnan ninyo saan man kayo pumunta, kaayusan, pagbabago, peace, love. Pero, hindi ninyo ma-appreciate. Kasi nga meron kayong mga malicious intent. Pera, pera, pera ‘yun ang inyo, greed of power, greed of power ‘yan ang inyo. Binigyan kayo ng power ng sambayanang Pilipino. Kayong nasa power lalo na kayo dyan sa Malacañang BBM. You are the president of the whole Philippines. ‘Yung nag-vote sa inyo at ‘yung hindi nagboto sa inyo, president ka ng buong Pilipinas, you should be the unifying factor of the Philippine people. Pero tingnan mo ang ginagawa mo, kung may puso ka, alam mong matino ang aming mahal na Pastor. Pero tingnan ninyo, tapos kaming buong komunidad dito idadamay ninyo. We are living here peacefully, namumuhay kami ng makatarungan, hindi kami prostitute, hindi kami bangag, wala kaming tone-toneladang shabu dito tapos ganyan ang gagawin ninyo. Then you are the most unrighteous authority in the whole Philippines,’’ saad nito.

Diretsahan at walang patumpik-tumpik.

Ganito na naglabas ng kaniyang saloobin si KOJC Chief Executive Officer Sis. Nelida Lizada kaugnay ng ginagawang panggigipit at pananakot ng mga awtoridad kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa mga manggagawa ng simbahan kasunod ng naganap na Day of Infamy noong June 10, 2024.

Ito ang araw na hindi malilimutan ng mga taga-KOJC.

Araw kung kailan nilapastangan at binalahura ng mga bayolenteng kapulisan ang mga religious compound ng KOJC sa Davao City at Sarangani Province.

Araw kung kailan binastos at sinaktan ng mga marahas na alagad daw ng batas ang walang kalaban-laban na mga misyonaryo ng simbahan.

Dahil dito matinding takot, trauma at pagkabalisa ang dinanas ng mga manggagawa’t miyembro ng KOJC partikular na ang mga kabataan, kababaihan at senior citizens na naroon mismo nang sapilitang atakehin ng mga armadong pulis ang KOJC religious compounds.

At sa kabila nga ng mga karahasang sinapit ng KOJC – sa halip na tumigil sa panggigipit ang mga pulis ay mas lalo pa nila itong pinatindi.

Ngayon – bente-kwatro oras silang naka-posisyon sa palibot ng KOJC religious compound sa Davao City.

Police visibility daw.

Pero sino pa bang maniniwala sa palusot na ito ng kapulisan?

‘’Nasaan ang law and order? Nasaan ‘yung sound mind ninyo?  Nasaan ‘yung sense of righteous judgement ninyo? Wala.  Mga general kayo, ang ba-bright ninyo, bakit hindi kayo marunong tumingin ng tama at ng hindi tama? Tapos pupunta kayo dito, aakyat kayo sa mga pader at sa kung ano-ano pa man namin, magpapalipad kayo ng mga drone, kung ano-ano pa dyan ang gagawin ninyo. Bakit hindi niyo ilagay sa ayos ang lahat? Mag-usap tayo. Hindi ganun na para kayong mga nasa 15th Century pa namumuhay. Tingnan niyo ‘yung mga gawa ninyo. Gawa ba ‘yan ng moderno? Maayos na mga law enforcer? Sige tanungin ko kayo. Ito ah coming from my heart. Tingnan ninyo ‘yan, nasaan ang kaayusan, nasaan ang law and order? You are no longer in your sanity. You are beyond, ewan ko kung sino ang naka-influence sa inyo. Kung ano ang utak ng lider ninyo, ‘yan ang resulta ng gawa ninyo. Katulad na ang utak ng aming mahal na Pastor at puso ay nasa kaayusan,’’ dagdag nito.

Hindi naman maintindihan ng KOJC na sa kabila ng makailang beses ng kabiguang matagpuan ang mga sisilbihan ng warrant of arrest of kapulisan sa KOJC religious compounds ay walang-tigil pa rin ang pagmamanman nila dito gamit ang mga armadong pulis.

‘’Ang sentimentong ito ay hindi lang aking sentimento, I’m sure this is the sentiment of all the Kingdom citizens that you have offended. Tandaan ninyo, ang itinuro sa amin ay mga salita ng Diyos. Pasalamat kayo binago kami ni Pastor. Kahit anong mangyari ang turo sa amin ‘love your enemy’.  Mahirap ‘yun na law ng Panginoon. Kaya ako nagtanong ako sa Ama, but we have to use our faith. Because we believe, all you kayong mga walang Diyos sa puso ninyo pakinggan ninyo ito. Mas masakit ang judgement mula sa langit. The most ‘yung pinakamasakit na bayad sa kasalanan na nakagawa ka ng injustice sa kapwa mo. ‘Yun ang paalala ko sa inyo kasi sinabi ng Panginoon, ‘vengeance is mine’. ‘Yun ang pinanghahawakan namin,’’ giit ni Sis. Nelida.

Ipinunto naman ni KOJC Legal Counsel Atty. Adam Jambangan na nakababahala at nagdudulot ng abala ang ginagawang harassment ng kapulisan hindi lang sa KOJC missionaries kundi pati na rin sa mga estudyante ng Jose Maria College Foundation Incorporated na nasa loob ng KOJC compound headquarters.

Iginiit ng KOJC legal counsel na ang mga paaralan ay kinokonsiderang ‘zone of peace’.

‘’I just want to add, this matter is really alarming, disturbing at the same time, bothersome. Because naman talaga isyu ‘yung sinasabi ni Marbil na kakulangan ng kapulisan but I think it’s more on uneven distribution of police assignments and concentrating here on this matter.  You cannot cover your real intention by putting up checkpoints in the vicinity of the KOJC compound. Which is composed of not only the church but also the school. I am really bothered by that fact na may paaralan kasi, may mga estudyante, and ang laki ng Davao,’’ ayon kay Atty. Adam Jambangan KOJC Legal Counsel.

‘’This is supposed to be a zone of peace. We want to emphasize that, this is a school, this is a place of learning. How would you expect students to be comfortable in learning their lessons, when your presence is there. Posing threat, intimidation, and fear. So, I hope you consider that,’’ saad nito.

Kinuwestiyon ni Atty. Jambangan ang presensiya ng PNP sa tapat ng KOJC compound sa kabila ng naidulot na trauma sa mga KOJC missionary.

‘’Why do you concentrate your force here? Dito lang ang laki ng Davao and marami pang area na kailangan na may police presence, bakit mas marami dito? Haven’t you considered the fact that you already caused trauma during the June 10 incident. Hindi mo ‘yan pwedeng i-deny. So, meaning to say the mere presence and appearance there again and again is causing another trauma paulit-ulit, it’s calling harassment, fear and anxiety not only to Kingdom citizens but also to students of Jose Maria College. And you have to consider that the students here in JMCFI are not only post graduate students. May mga minors dito from basic education to post graduate. Lahat ‘yan nag-aaral at naka-display kayo dyan sa harapan,’’ ani Atty. Jambangan.

Hindi maintindihan ng KOJC administrator kung bakit pinupuntirya ng mga tinuringang alagad ng batas ang KOJC properties.

‘’Inalagaan namin ito lahat ng nakikita ninyo dito, bunga ito ng pag-iisip ng isang taong malinis ang puso at kaluluwa. Kasi hindi pwedeng maghanda ang isang taong liko ang utak, ‘yan ay ang aming mahal na Pastor. Itinuro sa amin ang kaayusan, itinuro sa amin ang kalinisan, itinuro sa amin ang kapayapaan, itinuro sa amin ang pag-ibig sa kapwa, lalo na sa inyong mga military men in uniform. Kayo ang unang grupong itinanim ni Pastor sa puso namin, ang pagmamahal sa inyo, dahil sabi ng aming Pastor noon, kayo ang nag-lay down ng life ninyo para sa ating Pilipinas, sa kapayapaan.  But what you are doing now is kabaliktaran.  Overnight gi-change ninyo ang impression namin sa inyo. You are no longer a protector of law and order but you are now the one breaking law and order. Mantakin mo simbahan ito, mapayapa kaming namumuhay, nakikita ninyo ang sa loob nito noon bukas kayo dito, anong nakikita niyo kaayusan. Resulta ‘yan ng disiplina namin dito sa loob ng Kingdom na itinuro sa aming mahal na Pastor. Bakit ganito ang resulta? Dahil dito, zero corruption. Wala kaming pansariling plano para sa aming buhay kundi para sa lahat sa kaayusan ng aming community,’’ saad pa ni Sis. Nelida.

Maging ang political vlogger at commentator na si Banat By na isa rin sa mga anchor ng SMNI ay inaming nababahala sa tila obsession ng administrasyong Marcos na pabagsakin si Pastor Apollo at KOJC.

‘’Alam niyo sana mga kababayan, tulad din po naming mga Banateros, hindi naman din po namin responsibilidad na ipagtanggol ang KOJC, pero nandito po kami tumutulong lumaban dahil naniniwala po kami na meron talagang pang-aabusong ginagawa ang gobyerno na ito sa KOJC at maging kay Pastor Quiboloy. Ito’y ginawa sa kanila para po magkaroon talaga ng fear sa kung sinuman ang lalaban sa gobyerno, ito ngang dati naming kaalyado, dati naming kaibigan, dating tumulong sa amin ay kaya naming pabagsakin o ibagsak kayo pang mga hindi namin na kaalyado. Sa tingin ko ‘yun talaga ang pinapakita ng gobyerno ni Marcos na pabagsakin, kaya nila gustong-gusto, obsessed sila kay Pastor Quiboloy at saka sa KOJC. So, sana po mga kababayan, wala po ito kung miyembro ka o hindi ka miyembro o concern lang ba ito ng mga taga-KOJC, hindi po. Ito po ay pang-aapi at pang-aabuso ng gobyerno sa mga Pilipino. Sana po ay samahan niyo kami at ang buong KOJC sa laban na ito,’’ ayon kay Banat By, Political Vlogger.

May hamon naman ang KOJC Chief Executive Officer kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

‘’Sinabi ninyo at ikaw honorable president, batas is batas. Pwes bigyan ninyo kami ng example paano kayo tumupad sa batas. Give us a fair treatment and fair trial. Oh kung ganun ilan sige. Pero gamitin naman ninyo ‘yung inyong utak kasi ang ba-bright ninyo. Ang gadget ninyo ang ha-high tech, hindi naman kayo mga bobo kayong mga general. Bakit hindi kayo mag-investigate ganito ganyan, ganito ganyan, ‘yun ang sa amin. You are sowing fear. Alam ninyo, ubos na ang lahat naming takot at lahat naming ano, ubos na. Isa na lang ang natira sa amin ngayon, ‘yun ang sinasabi kong ‘wag ninyo kaming sagarin. Kasi matino kaming kausap, ilang beses kayong pumasok dito, inentertain namin kayo bilang mga tao at bilang mga officer that we respect before. I don’t know hindi ko na ma-describe ano ang feeling ko sa inyo, kung papasalitain mo lang itong mga lahat ng Kingdom citizen, ewan ko lang. Ako pa lang itong unang nagsalita kasi parang puputok na ang dibdib ko ba,’’ ayon pa kay Sis. Nelida.

Kaya naman patuloy ang paninindigan ng KOJC na tayuan ang katotohanan sa gitna ng pang-aapi, pang-aalipusta, paninira sa pagkatao ni Pastor Apollo.

‘’Kaya sinasabi ko sa inyo, ‘wag ninyo kaming sagarin please. Do not produce rebels out of us. Matino kami mula sa kadiliman, inayos ni Pastor ang aming buhay, tinuruan kami, anong turo niya sa amin noon? Mula sa inyo maging matino kayo para naman maka-contribute tayo sa Pilipinas. E ‘di nakatapos ako ng mga matitinong tao na katulad ninyo. But tingnan ninyo, dinemonize ninyo ang aming mahal na Pastor, kami ang production ni Pastor. Hindi niyo ba nakikita, hindi niyo nakikita na kahit saang lugar na puntahan namin, ang kadiliman magliliwanag, ang mabaho babango, ang basura magiging garden,’’ dagdag nito.

‘’So, ito ang warning namin sa inyo, do not produce rebels out of us, because matino ang utak namin. So, ‘yun lang ang akin. Isa pa, bakit kayo nainggit sa na-produce namin? Because you have green-eyed o full of jealousy. Bakit ninyo kaming gawing pilot project ninyo magtanong kayo, Kingdom of Jesus Christ bakit ganito ang na-produce ninyo bakit ganyan ganyan. E ‘di sana tuturuan namin kayo, dito zero corruption. Ang korap dito, tinatalsik. Hindi minamahal, tinatalsik kung ayaw niyang magbago. Ganun,’’ ani nito.

Binalikan naman ni Sis. Lizada ang pagkakataong binisita noon ni Marcos Jr ang Prayer Mountain ng KOJC na binalahura ng kaniyang administrasyon ngayon.

Muling iginiit ng KOJC administrator na ang papel dapat ng isang lider ng bansa ay ang pagkaisahin ang mamamayan nito at hindi ‘yung pagwatak-watakin ito.

‘’At ito pa Mr. President reminder ko sayo. I remember nung ikaw ay Senador pa o kung ano ba ‘yung position mo, you came to visit the Prayer Mountain. Hinding-hindi ko ‘yan makakalimutan sinabi mo kay Pastor. Pastor, maganda ang lugar na ‘to, anong ginawa mo? Pwede palang gawin ganito Pastor noh ang Pilipinas. Anong sagot sayo ni Pastor, makinig kang muli. I want to remind you of this. Anong sabi ni Pastor sayo, Bong, dito kasi zero corruption. Lahat ng blessing, ‘yan oh ikaw ‘yan, ikaw ‘yan.  Lahat ng tinatapakan mo dyan, production ‘yan ng matinong utak at puso ng isang tao. Alam mo ba ang inaapakan mo dyan, dugo at pawis namin. Kami ang naabutan ng madaling araw, babae at lalaki, si Pastor ang nangunguna sa amin. Kami ang nag-aayos ng mga bricks ng mga semento, ng mga garden, ng lahat. Walang hiring, walang gasto, ‘yan ang tinatawag na bayanihan. Just imagine kung ma-unite mo ang Pilipinas, anong mangyayari sa Pilipinas? And remember you are the president of those who voted for you and those who did not vote for you.  You should be the unifying factor of the Filipino people,’’ dagdag ni Sis. Lizada.

Harangan man ng sibat ay hindi mapipigilan ang KOJC para tayuan ang katotohanan dahil ito ang magsisilbing ilaw sa nagdidilim na bayan na nababalot sa kasinungalingan at paglilinlang.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble