Mahigit 700-K shabu, nasabat ng PNP-DEG sa buy bust ops sa Taguig

Mahigit 700-K shabu, nasabat ng PNP-DEG sa buy bust ops sa Taguig

NAGKAKAHALAGA ng mahigit P700-K na shabu o katumbas ng 104 gramo ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa isinagawang buy-bust operations sa Taguig City.

Katuwang ang mga operatiba ng Special Operations Unit NCR, nadakip ang 2 suspek nitong Lunes, Agosto 5, 2024 sa Brgy. San Miguel, Taguig City.

Bukod sa dalawa, may isa pang indibidwal ang target ng follow up operation.

Ang mga arestado ay agad na dinala sa PNP DEG, SOU NCR para sa documentation at disposiyon nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble