Sen. Bato, ikinababahala ang tingin sa PNP sa Davao City

Sen. Bato, ikinababahala ang tingin sa PNP sa Davao City

MASAKIT sa kalooban ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na marinig ang mga pahayag ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) laban sa kasalukuyang liderato ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ni PNP Chief Rommel Marbil at maging kay Nicolas Torre ng Police Regional Office XI.

Ito’y dahil sa isinagawang pagdinig nitong Lunes sa kaniyang komite sa pag-imbestiga sa ginawang operasyon ng PNP-SAF at CIDG sa mga religious compound ng KOJC para magsilbi ng arrest warrant laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy at lima pang indibidwal, muling binalikan ang karumal-dumal na nangyari noong June 10, 2024.

Ibinahagi ni Sis. Eleanor Cardona, executive secretary ng KOJC at Bro. Carlo Catiil, resident minister ng simbahan, ang labis na pagka-trauma ng mga misyonaryo nang lusubin sila ng mga kapulisan bitbit ang malalaking armas at suot ang kanilang full battle suit na animo’y lulusob sa giyera.

“’Yung lulusob ka sa banal na dako na walang ibang ginagawa kundi manalangin? Magpuri sa Ama, magsisimba. Walang ibang tinuturo kundi pagmamahal sa kapwa. Pagsusunod sa batas at pagmamahal sa Diyos?”

“For the first time in my life, I saw those PNP personnel who were geared for war with all their ammunition, ‘yung mga baril nila na napakalaki. I did not know what to do,” ayon kay Sis. Eleanor Cardona, Executive Secretary, KOJC.

“Nananalangin po kami sa time na ‘yun. Dinistorbo po ng mga kapulisan na parang mga barumbado na parang susulong ng giyera, complete battle gear po. Kaya nagtakbuhan po kami sa mga gate.”

“Akala po namin Mr. Chair, magaling po ang intelligence ng ating kapulisan at pinag-aralan po nilang mabuti. Natural po, Mr. Chair, nananalangin po kami, whole family po nandoon lahat. Noong inakyat po nila ang aming gate, tumakbo na po kami to defend our place,” ayon naman kay Bro. Carlo Catiil, Resident Minister, KOJC,

Ibinahagi ng CEO ng KOJC na Sis. Nelida Lizada na hindi nila nararamdaman na ligtas sila kapag nakapaligid ang mga kapulisan sa Davao City kasunod ng marahas na paglusob noong June 10.

“Noon kapag makita namin ang pulis… we are happy. We feel secure because you are there sa kalye nagbabantay sa amin. But now, we don’t feel secure. Nandoon sila sa vicinity, sa kadamuhan, tapos may mga drone na nagliliparan, kahit sa bundok mayroong drone,” Sis. Nelida Lizada, CEO, KOJC.

Matatandaang una na ring inireklamo ng KOJC ang patuloy na surveillance na ginagawa sa kanila kabilang na ang pagpapalipad ng mga drone araw at gabi, kasabay ng mga ulat na mayroong listening devices sa paligid ng kanilang mga religious compound.

Kaugnay rito, pinagsabihan din ng dating PNP Chief Sen. Bato dela Rosa si Torre sa nangyayari sa Davao City.

“The way I heard it. The way I observed na para bang, Nick, na ang mga tao nagiging anti-pulis na sa Davao City. It’s your job. It’s your responsibility na sana, sana i-maintain.”

“You reconnect with the community. ‘Yun lang pakiusap ko. Nag-retire ako na pulis. Pulis-Davao talaga ako, iba ang feeling ko, very proud ako sa aking community, and my community was very proud of pulis,” Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, Dating PNP Chief.

Pinaalala rin ni Bato na binuo nila ang tiwala ng taumbayan sa pulis na sa matagal na panahon ay umiiral sa Davao kaya hiling niya na sana’y hindi ito mawala sa ilalim ng liderato ng PNP ngayon.

“Masakit sa kalooban ko na ‘yung pulis sa Davao hindi na mapagkatiwalaan. We built that trust between the police and the community for a very long time.”

“Mahal ng pulis ang kanyang komunidad. Mahal ng komunidad ang kanilang pulis. Ganyan po ang treatment namin sa Davao noon. Ngayon parang kalaban ng pulis ang community; kalaban ng community ang pulis nila? Sana ma-fix natin ito.”

“Please ibalik natin ‘yung trust ng taumbayan sa ating kapulisan” pakiusap ni Dela Rosa.

Samantala, matatandaan na patong-patong na kaso na rin ang isinampa ng KOJC sa mga awtoridad na nasa likod ng marahas na paglusob.

Magpapatuloy ang naturang pagdinig sa Agosto 20.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble