IPINAG-UTOS na mai-dismiss ang regional director ng Maritime Industry Authority (MARINA) kaugnay sa malawakang oil spill nang lumubog ang MT Princess Empress noong Pebrero 2023.
Sa statement ni Department of Transportation Sec. Jaime Bautista, ang tinutukoy na tanggalin sa trabaho ay si Region V Director Jaime Bea.
Grave misconduct at gross neglect of duty ang mga batayan ng naturang desisyon laban sa regional director.
Sinasabing nilagdaan at inaprubahan mismo ni Bea ang certificate of ownership o certificate of Philippine Registry ng Princess Empress, isang malinaw na paglabag sa tamang panuntunan at proseso.
Inatasan din umano ni Bea ang isang engineer sa kanilang Region V Office na iproseso ang mga dokumento na hindi na saklaw sa kaniyang tungkulin.
Ang malawakang oil spill mula sa MT Princess Empress ay naging sanhi ng milyun-milyong pisong pinsala lalong-lalo na sa marine ecosystem.