Isang film director, pinatunayang mabait si Janno Gibbs

Isang film director, pinatunayang mabait si Janno Gibbs

PINATUNAYAN ng direktor na si Darryl Yap na hindi pala masama ang ugali ni Janno Gibbs.

Sa isang pelikula na tampok sina Maui Taylor, Rose Van Ginkel at Janno Gibbs, nakita ng nasabing direktor kung saan batay sa nai-post nito sa kanyang social media account na hindi pala totoo ang mga sinasabi ng iba laban sa aktor.

Ayon kay Direk Darryl sa post, sa loob ng ilang araw niyang nakasama si Janno ay hindi pa ito na-late, hindi nambastos ng kahit sino at hindi nagyayabang ang aktor.

Masaya naman ang tugon ni Janno sa feedback na ito.

Dahil dito naikwento ni Janno na sa pinagbidahan nitong pelikula kung saan si Darryl Yap ang direktor, hindi talaga sya ang first choice para gumanap nito.

Si Vic Del Rosario, Founder at Chairman ng Viva Entertainment ang nagpapasok lang umano sa kanya sa proyekto.
Nag-aalangan noon ani Janno si Direk Darryl sa pagtanggap sa kanya dahil nga sa naririnig na palaging late sa set, unprofessional at ma-attitude sya.

Inamin din ni Janno Gibbs na madalas talaga syang late noon subalit dahil naman aniya ito sa kanyang malalang insomnia.

Sa kasalukuyan naman ayon kay Janno, hindi na problema sa kanya ang insomnia dahil sa magaling nyang doktor at mabisang gamot.

 

SMNI NEWS