5 drug pushers, 1 gun law offender at 4 illegal gamblers naaresto sa Bulacan

5 drug pushers, 1 gun law offender at 4 illegal gamblers naaresto sa Bulacan

ARESTADO ang limang drug pusher, isang gun law offender at apat na illegal gamblers sa lalawigan ng Bulacan. Ang nasabing katagumpayan ng kapulisan ay resulta ng sunud-sunod na operasyon ng Bulacan Police.

Base sa ulat na isinumite kay PCol. Satur Ediong Provincial Director ng PNP Bulacan, magkakaibang buy-bust operations ang kanilang ginawa sa pangunguna ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Meycauayan, Baliuag, at Bulacan City Police Station na kung saan natimbog ang limang tulak ng droga.

Nakuha mula sa mga nahuling suspek ang siyam na plastic sachets, dalawang medium size zip locked plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang marijuana, assorted drug paraphernalia, at ang buy-bust money.

Samantala, sa ginawang gun buy-bust operation ng Angat Police Station, nahuli ang isang suspek, 24-anyos na lalaki dahil sa pagbebenta ng baril, nakuha mula sa suspek ang isang caliber.38 revolver na walang serial number, apat na bala ng caliber.38 at ang buy-bust money.

Sa kabilang banda, nagsagawa ng Anti-Illegal Gambling ang nga awtoridad ng San Jose del Monte City Police Station na nagresulta sa pagkakahuli ng apat na illegal gamblers dahil sa paglalaro ng Cara Cruz.

Sa ngayon nasa kostudiya na ng mga awtoridad ang mga nahuling suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble