Last day ng voter registration para sa 2025 elections, dinagsa

Last day ng voter registration para sa 2025 elections, dinagsa

HULING araw na ngayon ng pasahan ng aplikasyon para sa gustong magparehistro para makaboto sa 2025 national and local elections gayundin ang mga gustong magpa-transfer ng presinto o magpare-activate.

Gaya ng inaasahan ngayong huling araw ng filing, ang mga registration sites ng Commission on Elections (COMELEC)– dinagsa ng mga tao.

Sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng COMELEC na huwag ng hintayin ang deadline para sa pagpaparehistro ay tila likas na sa mga Pilipino ang last minute o humabol na lang sa deadline. Kaya ang pila sa isa sa mga COMELEC registration sites, umabot ng halos isang kilometro.

Ilan sa mga pilit humabol ay mga PWD at senior citizens gaya ng 75-year old na si Lola Mary na gustong magpa-transfer.

May mga magkakabarkada namang nagkasundo na sa huling araw na ng registration pumila.

First time nila pare-pareho na magpaparehistro at first time na boboto sa Mayo.

Habang ang dating OFW naman na si Sarah, alas-otso pa lang ng umaga ay pumila na para makahabol sa deadline.

Inabot aniya siya ng limang oras bago na-proseso ang kaniyang reactivation at change status.

Sa tagal at haba nga ng pila ay nagawa pa nitong masundo ang anak sa eskwelahan.

Wala nang extension para sa voter’s registration.

Samantala, nagsagawa naman ang COMELEC ng simulation activity ngayong araw para sa bubuksang COC Filing sa National and Local Elections simula Oktubre 1-8 sa The Tent City ng Manila Hotel.

Dito nga gagawin ang filing ng mga tatakbo sa pagka-senador at party-list group.

Bago tuluyang makapag-file ang isang aspirant ay kailangan muna nitong dumaan sa pre-evaluation ng law department.

Ang isa sa mga titiyakin dito ay kung may sapat ba ang dala nitong dokumento sa paghahain ng kandidatura.

Pagkatapos makapag-file ng mga aspirant ay may photo opportunity habang hawak ang kanilang COC.

Bibigyan sila ng pagkakataong makapagsalita sa stage at matanong ng media.

Pagkatapos ay pipirma sila ng pledge sa paghahain ng COC.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble