SA pangunguna ng Task Force Davao at Barangay and Cultural Communities Affairs Division kasama ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, ang isinagawang Kulturavan: Seguridad at kaalaman sa Brgy. Tamayong Calinan Davao City.
Daan-daang indibidwal mula sa Brgy. Tamayong, Cawayan, Sirib, at Calinan Poblacion ang benepisyaryo ng caravan of services ng SSS, Civil Registration Office, Phil Statistics Office, NBI, LTO, City Agriculturist Office, at CSWDO.
Bukod sa mga serbisyo ng mga ahensiya ng pamahalaan, may libreng haircut at dental service din para sa mga residente.
Mayroon ding pamamahagi ng saku-sakong bigas.
Laking pasasalamat ng mga residente ng apat na barangay lalo na ng Barangay Tamayong sa serbisyong hatid ng Kulturavan.
Ito na ang pang walong Kulturavan ngayong taon kung saan libu-libo na ang nabigyan ng serbisyo.
Lubos naman ang pasasalamat ng council ng Brgy. Tamayong dahil dito isinagawa ang nasabing programa.
Bukod dito, ipinagpapasalamat din nila ang pagbibigay ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng isang ektaryang lupa na siyang kinatitirikan ng bagong barangay hall at covered court.
Upang maiwasan na magamit ang programa sa politika, hindi na muna magsasagawa ng Kulturavan hanggang matapos ang eleksiyon sa susunod na taon.
Layon ng Kulturavan na maipaabot ang serbisyo ng pamahalaan upang makamit at mapanatili ang kapayapaan at katahimikan sa bawat lugar.