SI Cavite Gov. Jonvic Remulla na ang magsisilbing bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ngayong araw, Oktubre 8 nang manumpa si Jonvic sa harap ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Siya na ang papalit kay Benhur Abalos sa naturang ahensiya.
Si Jonvic na ang pangalawang Remulla na kasali sa cabinet members ni BBM kasunod ni Boying Remulla na nagsisilbing kalihim naman ng Department of Justice (DOJ).