FPRRD, handang dumalo sa pagdinig ng Kongreso

FPRRD, handang dumalo sa pagdinig ng Kongreso

HANDANG dumalo si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagdinig ng Kongreso hinggil sa war on drugs ng kaniyang administrasyon.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Sen. Bato Dela Rosa na nais niyang magkaroon ng sariling imbestigasyon ang Senado hinggil dito.

Malaki ang tiwala ng senador na dadalo ang dating pangulo sa naturang pagdinig.

Ito nga’t sinabi na ni FPRRD sa naging panayam ng programang Problema mo Itawag kay Panelo sa SMNI News na handa siyang dumalo sa mga pagdinig.

Samantala, kasabay nito ay kinumpirma rin ni FPRRD na wala pa itong natatanggap na imbitasyon mula sa komite ng Kamara na duminig sa usapin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble