TikTok, hindi tatanggap ng political advertisement para sa pangangampanya

TikTok, hindi tatanggap ng political advertisement para sa pangangampanya

INIHAYAG ng TikTok Philippines, na hindi ito tatanggap ng mga political advertisement para sa pangangampanya sa 2025 elections.

‘Yan ay kasunod ng pinirmahan nitong kasunduan sa pagitan ng Commission on Elections (COMELEC) bilang katimbang nito sa pagsugpo ng misinformation at disinformation at mga pang-abuso sa social media platforms.

Ayon kay TikTok Philippines Public Policy Manager Peacy Paderna, ang pagtanggi sa mga political ads ay paraan nila para hindi sila makalikha ng dibisyon bagay na sinusuportahan naman ng COMELEC.

Samantala, maliban sa TikTok ay nakipagkasundo rin ang iba pang technology companies gaya ng Meta, Google at X sa komisyon para labanan ang fake news ngayong eleksiyon.

Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, hindi araw-araw ay eleksiyon para itulad sa pangkaraniwan ang paggamit ng social media platforms pagdating sa pagpapalabas ng mga impormasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble