IMINUNGKAHI ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. ang pagpapaigting ng mga programa ng pamahalaan para lalong maging climate adaptive at climate resilient ang bansa.
Sa harap ‘yan ng hagupit ng Bagyong Kristine na pumatay sa mahigit 120 at sumira sa maraming mga imprastraktura at ari-arian.
Sa kaniyang pagbisita sa mga kababayan na naapektuhan din ng pagbaha sa San Pedro at Calamba sa Laguna, iminungkahi ni Revilla na isama ang climate change mitigation at environmental protection sa curriculum sa mga eskwelahan para magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga kabataan paano mangalaga ng kalikasan at maiwasan ang mga trahedyang dulot ng climate change.
“Climate change mitigation and environmental protection concepts should be incorporated into the curricula of schools and should be actively practiced both in home and in the community” ayon pa kay Revilla.
Nagbigay naman ng tulong ang senador sa mga kababayan niyang biktima ng nakaraang bagyo.
Kasama sa mga nakinabang ang mga nawalan at nasıra ang bahay dahil sa Bagyong Kristine, nasıra ang mga ari-arian at nawalan ng mahal sa buhay.
“Mayroong mga nawalan ng tirahan, may mga nalimas ang kagamitan dahil sa baha, may pumutok na poste ng kuryente, at ‘yung iba ay nawalan pa ng mahal sa buhay,” dagdag ng mambabatas.
Follow SMNI News on Rumble