NAGSAGAWA ng send-off ceremony ang 8th Infantry Division ng Philippine Army para sa mga bagong itinalagang scout rangers na ginanap sa Old Terminal, Calbayog Airport sa Calbayog City.
Aabot sa 190 na tropa ang ideneploy sa mga operational areas sa Samar Island para sa Combat Test Mission (CTM) na susuporta sa JTF Storm’s Security, Stability and Sustainment Operations na nakatutok sa paglaban sa mga natitirang miyembro ng komunistang grupo sa nasabing rehiyon.
Sa kaniyang mensahe, pinuri ni BGen. Perfecto Peñaredondo ang mga sakripisyo ng mga sundalo para sa kanilang misyon na walang pag-aalinlangan para sa bayan.
Dahil aniya sa dedikasyon ng mga scout rangers, mas paiigtingin pa ng mga sundalo ang kanilang serbisyo makamit lang ang kapayapaan.