POSIBLENG may isa hanggang dalawang bagyo ang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Disyembre.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakikita nilang malaki ang tsansa na mag-land fall o tumama ito sa kalupaan sakaling may ma-monitor na tropical cyclone na makaapekto sa bansa.
Dahil dito, nag-abiso ang weather bureau na palaging updated, mag-monitor at maging alerto ngayong holiday season.
Nilinaw naman ng PAGASA na sa ngayon ay wala pa silang namo-monitor na low pressure area na makaaapekto sa bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.