15 kabataan na anak ng mga dayuhang POGO workers, humihingi ng tulong—PAOCC

15 kabataan na anak ng mga dayuhang POGO workers, humihingi ng tulong—PAOCC

NASA labing-limang kabataan na anak ng foreigner workers ng POGO ang tinutulungan ngayon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Sa pahayag ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz, mga sanggol hanggang tatlong taong gulang ang edad ng mga bata.

Sinasabing napa-deport na sa Pilipinas ang mga ama nilang dayuhan at naiwan na lang ang mga kabataan sa kanilang Pinay na mga ina.

Sa ngayon ay nakikipagtulungan na rin ang PAOCC sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagbibigay ng suporta sa mga ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble