NAGFILE na ng Certificate of Candidacy (COC) si Senator Christopher Bong Go para sa pagka bise presidente sa eleksyon 2022.
Dumating si Senator Bong Go kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa Garden tent ng Sofitel 3:25 ng hapon para maghain ng COC sa pagka bise presidente .
Ayon kay Senator Go, dahil sa nagpasya ang Pangulong Duterte na bawiin ang kanyang pagtanggap sa nominasyon bilang PDP-Laban vice-presidential candidate, nandiyan sya upang tanggapin ang hamon sa pagtakbo sa pagka bise-presidente .
“Napag desisyonan kung tumakbo bilang presidente sa darating na halalalan upang maipagpatuloy ang mga magagandang programang tunay na pagbabagong naumpisahan na ni Pangulong Duterte at sisikapin nating dagdagan pa ang mga ito,’’ayon kay Senator Go.
Sinabi ni Go sa kanyang talumpati na walang tigil dapat ang kampanya kontra illegal na droga, korapsyon, at kriminalidad at ang taong bayan na ang humosga kung mas ligtas ba sila ngayon, ang mga anak nila, na walang pangamba dahil sa mga kriminal at mga adik.
“Hindi dapat masayang ang mga nasimulang ito kung kaya’t sa susunod na anin na taon ay sisikapin natin maproteksyonan ang buhay at kinabukasan ng ating mga anak. Ang ganda na sana ng ating ekonomiya at sa administrarsyong Duterte kung hindi lang tayo tinamaan ng crisis. Sisikapin nating maibalik sa normal ang ating pamumuhay at muling maiahon mula sa hirap ang ating mga kababayan. Dahil dumami ang mga nawalan ng trabaho at nagugutom. Upang makamtan ang mga layuning ito palalaguin natin ang oportunidad pangkabuhayan sa bawat sulok ng bansa. Sosolusyonan natin ang hirap at gutom dahil importante na maalagaan ang tiyan ng bawat Pilipino. Sisiguradohin natin magiging mabilis, maayos at abot kaya ang mga serbisyong pangkalusugan tulad ng ibibigay ng tulong ng malasakit center sa mga nangangailangan. Titiyakin rin po nating matapos ang mga nasimulang build build build projects upang maisakatuparan ang mga nasimulang proyekto at upang mas maging maginhawa at comfortable ang buhay para sa lahat,’’ayon kay Go.
‘’At sa lahat ng ito sisiguraduhin natin na walang maiwan sa muling pagbangon bilang isang mas matatag na bansa. Hindi ko po sasayangin ang bawat oras, minuto at pagkakataon binigay sa akin ng taong bayan na mag serbisyo sa aking kapwa. Kapalit ng inyong tiwala at suporta ibabalik ko po sa inyo ang malasakit at tunay na nararapat. Bawat buhay po ay pinahahalagahan natin lalo nayong walang ibang matakbuhan sila po ang prayoridad natin dito. Kapakanan nila ang ipinaglalaban ko rito. Kung ako po’y papalarin at bibigyan po ng pagkakataon ng mga kapwa ko Pilipino at sa patnubay po ng ating Panginoon,’’dagdag nito.
Sinabi din ni Go na magtatrabaho siya bilang bise presidente na gagawin lahat ng kanyang makakaya para makapag silbi sa lahat.
“Hindi ako magiging spare tire o reserba lamang asahan ninyo na ako’y totoong magtratrabaho hindi sa salita kundi sa gawa. I don’t want to be remembered as just another senator or vice president. I want to be remembered as a public servant na nalalapitan ng sinumang ordinaryong mamamayan at buong pusong nagsisilbi para sa ikabubuti ng ating bansa. Ako si kuya Bong Go at ang aking bisyo ay mag serbisyo. Nandito ako para maipagpatuloy ang tunay na pagbabago na inaasam natin,’’ ayon kay Senator Go.
Nanawagan din si Senator Go sa mga kapatido nya sa PDP-Laban at sa iba pang lubos na sumusuporta sa mga adhikain ng administrasyong ito na huwag mag-alala dahil hindi nito pababayaan ang mga ito at nandiyan ang Pangulong Duterte bilang pinuno at number one campaigner.
‘’Wala pong iwanan sa laban na ito tulad ng bilin ni Pangulong Duterte sa akin parati po at tinatandaan ko ito unahin mo ang kapakanan ng mga Pilipino at mahalin natin ang ating kapwa. Hinding hindi ka magkakamali,”ayon kay Go.