Sen. Bong Go, umapela sa mga tatakbong kandidato na isaalang-alang ang kapakanan ng publiko

Sen. Bong Go, umapela sa mga tatakbong kandidato na isaalang-alang ang kapakanan ng publiko

UMAPELA si Senator Christopher Bong Go sa mga tatakbong kandidato na isa-alangalang ang kapakanan ng publiko.

Sa nalalapit na filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa susunod na halalan, umapela si Sen. Bong go sa mga tatakbong kandidato na isa-alangalang ang interes at kapakanan ng taong bayan at hindi ang kanilang mga pansariling interes.

Ilang tulog na lamang at magkakaalaman na kung sino-sino ang mga tatakbong kandidato para sa 2022 election kaya naman ngayon pa lang ay umapela na si Senator Go sa mga ito na isaalang-alang ang kapakanan ng taumbayan.

‘’Above all else, it is the interest of our people and their general welfare and not our personal political ambitions that should guide us in serving our country.  Sa pag-file ng COC, isipin dapat natin kung paano tayo makakatulong sa taumbayan na malampasan ang kasalukuyang pandemya at mga krisis na dulot nito o mga susunod pa. Unahin natin ang ating tungkulin na magserbisyo at proteksyonan ang buhay ng ating kapwa bago ang ating pansariling interes,’’ayon kaya Senator Go.

Panawagan naman ni Sen. Go sa mga opisyal na manatiling pokus sa kanilang sinumpaang tungkulin na maiahon sa kahirapan ang mga kababayang nangangailangan ng kanilang tulong lalo na at nasa kalagitnaan pa rin tayo ng pandemyang COVID-19.

‘’Para naman sa mga opisyal ngayon, dapat tandaan natin na mayroon po tayong trabahong dapat gampanan. Hindi dapat mawala ang ating focus sa ating tungkulin lalo na para maiahon sa hirap ang mga kababayan nating nangangailangan. Anuman ang ating kulay pulitika, iisa lamang ang ating layunin na malampasan ang pandemya. Bakuna muna bago pulitika,’’ayon kay Go.

Kaugnay nito ay pinaalalahanan ni Go ang mga pilipino na pahalagahan at gamitin ng tama ang kapangyarihang maihalal ang tamang kandidato na siyang mamumuno ng bansa.

‘’Sa mga kapwa ko pilipino, ang halalan ang pinakamahalagang kapangyarihan na mayroon tayo. Pahalagahan at gamitin natin nang tama. After all, no less than our constitution provides that “sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them,”dagdag nito.

Ani Go, dapat na makiisa ang lahat para sa kapakakan ng nakararami at matiyak na walang maiiwan sa muling pagbangon ng bansa mula sa hirap ng krisis na ating kinakaharap.

‘’Makiisa tayo upang maipaglaban ang kapakanan ng ating bayan at masigurong walang maiwan sa muling pagbangon ng ating bansa mula sa pandemy na ating hinaharap,’’ayon kay Senator Go.

Paalala pa ni Sen. Go, na isang sagradong proseso sa ating demokratikong sistema ang pagpili ng taumbayan sa mga taong mamumuno at magsisilbi o magbibigay ng tunay na serbisyo sa publiko kaya’t nararapat lamang na gamitin ito ng tama para sa kinabukasan ng bansa.

SMNI NEWS