AYON kay Atty. Salvador Panelo, posibleng maging impeachable ground kung makipag-cooperate si PBBM at pahintulutan ang ICC na pumasok sa bansa.
“Tungkulin ng presidente ng bansa na pangalagaan ang seguridad ng ating bayan, pagsilbihan ng tapat ang mga Pilipino at ipagtanggol sa anumang pagsalakay.
‘Pag ginawa niya na makipag-cooperate tayo, papasukin ang ICC—lumalabag siya sa Saligang Batas. That is a betrayal of the public trust, pagtataksil sa pagtitiwala ng sambayanan na nagbigay sa kanya noong siya’y inihalal na presidente.
At ‘yan ay magiging impeachable ground, at ‘yan ay hindi yayakapin o tatanggapin ng taong-bayan,” ayon kay Atty. Salvador Panelo, Former Presidential Chief Legal Counsel.