Brazilian Navy seal na Cisne Branco, bumangga sa tulay ng Ecuador

Brazilian Navy seal na Cisne Branco, bumangga sa tulay ng Ecuador

BUMANGGA ang Brazil Navy seal na Cisne Branco sa isang tulay sa Ecuador habang papalabas ng Pier sa Guayaquil.

Nahuli sa video na tila nahihirapan ang barko na makagalaw sa Guayas river bago pa ito tumagilid at bumangga sa tulay.

Mabilis namang tumulong ang mga Ecuadorian Navy at gumamit ng tugboat ngunit nauwi ito sa aksidente at tumaob.

Sa kabila ng mga pangyayari ay wala namang naiulat na sugatan sa nasabing insidente at wala ring naganap na oil spill.

Kasalukuyang nananatili ang Brazilian Navy seal na Cisne Branco sa Guayaquil river kung saan iimbestigahan ang dahilan ng insidente.

SMNI NEWS