VP Duterte dumalo sa dry run ng COMELEC para sa eleksiyon

VP Duterte dumalo sa dry run ng COMELEC para sa eleksiyon

PERSONAL na dinaluhan ni Vice President Inday Sara Duterte ang flag ceremony sa Office of the Vice President (OVP) ngayong umaga, Pebrero 3, 2025.

Parte ng programa ang mga panauhin mula sa Commission on Elections (COMELEC), sa pangunguna ni Spokesperson Director John Rex C. Laudiangco, upang magsalita tungkol sa mga dos and don’ts, at nagsagawa ng dry run para sa tamang proseso ng pagboto sa araw ng eleksiyon.

Nanumpa rin ang bagong hanay ng mga opisyal ng Office of the Vice President Eployees’ Association (OVPEA) na naglalayong patatagin ang pagkakaisa sa hanay ng mga empleyado ng OVP.

Bilang pagtatapos, nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si Vice President Sara Z. Duterte at bumati ng Happy Lunar New Year sa lahat.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter