MASAYANG nagtipon-tipon ang mga kababayan natin sa Barcelona, Spain para sa isang mahalagang kaganapan.
Pagtitipon para suportahan ang kandidatura ni senatorial aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy at ang mga kandidato ng PDP-Laban.
Ayon sa ‘Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement’, alam ng mga Pinoy sa Espanya ang pinagdadaanang hamon ngayon ni Pastor Quiboloy.
Si Pastor Quiboloy na biktima ng political persecution sa Pilipinas dahil sa pagiging malapit nito na kaibigan sa mga Duterte.
Para sa OFW na si Azineth, hindi kapani-paniwala ang mga bintang laban sa Butihing Pastor.
Kitang-kita aniya kasi ang bunga ng mga turo ni Pastor Quiboloy sa 16-day KOJC siege.
“Para kay Pastor Quiboloy kasi nasubaybayan ko ‘yung struggle na nangyari sa kaniya, sa KOJC—nandun na kami nakasubaybay, alam namin ang mga nangyari so kay Pastor Quiboloy natutuwa kami na tumakbo siya as senator,” ayon kay Azineth Tornio, Founder, OFW Global Spain.
Ang Pinoy worker na si Ernesto, naabisuhan na hanapin ang number 53 sa balota sa darating na eleksiyon.
“Ang mga pamilya namin ako ang mag-uutos sa kanilang lahat na botohan si VP Sara at si Pastor Quiboloy at lahat ng senatorial candidates ng PDP-Laban,” wika ni Ernesto Gallano, President, Guardians Barcelona Spain.
Kabilang sa isinusulong ni Pastor Quiboloy ay ang mga panukalang batas para sa mga OFW.
Kabilang na rito ang OFW Job Security Enhancement Act, OFW Retirement Security Act, at OFW Financial Empowerment Act.
Ang mga nabanggit na panukala ay sesentro sa financial literacy at pension program para may magamit ang mga OFW oras na matapos ang kanilang deployment.
“Yes of course, 100% susuportahan natin si Pastor Quiboloy para sa kapakanan ng ating bansa. Marami siyang maitutulong sa Senado,” ayon kay Melody Montero, OFW sa Spain.
“Ay naku talagang gustong-gusto ko si Pastor. Marami akong natutunan sa kaniya kaya ipaglalaban ko si Pastor Quiboloy!” ani Edwina Labrador.
“Ako’y sa Quiboloy ako, sadya. Quiboloy. Cien por Cien Quiboloy ceguro eh! Ang mga parte ng Marcos talagang wala yan!” ayon naman kay Eloy Cleriko, OFW sa Spain.
Para naman sa PDP-Laban Spain, patuloy nilang ikakampanya ang mga pambato ng partido sa pagka-senador.
Patuloy silang magsasagawa ng public forums gaya ng ginagawa ng ‘Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement’ para ipakilala pa ng mabuti ang kanilang mga plataporma.
“Ako po 100 sinusuportahan ko si Quiboloy dahil sa magandang programa niya, lahat naman ay nakikita natin kung paano palaganapin ang sistema sa KOJC,” wika ni Robert Borja, PDP-Laban Spain.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority as of September 2024, ikatlo ang Europe, kung saan sakop ang Spain sa mga kontinente, na may pinakamaraming land-based Pinoy workers.
Follow SMNI News on Rumble