KAPAG ang isang tao ay may mga sinasabing negatibo laban sa mga katunggali nito para lang i-endorso ang kaniyang mga kapartido ay kabaliktaran ang nagiging epekto nito sa publiko—Ado Paglinawan
Dalawang araw na ang nakalipas mula nang opisyal na nagsimula ang campaign period para sa mga tumatakbo sa national at local positions ngayong halalan.
Pero kapansin-pansin na may iilan nang mga indibidwal na naninira sa mga kalaban nitong kandidato o hindi kapartido, isa na rito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa proclamation rally ng Alyansa ng Bagong Pilipinas na ginanap sa Ilocos Norte kamakailan, nagpasaring ito na parang namimili lang aniya ng suka ang ibang mga kandidato.
Pero epektibo pa ba ang ganitong uri ng pangangampanya?
Para kay Ado Paglinawan, isang political analyst at dating press attaché ng Philippine Embassy sa Washington D.C. sa Amerika, kapag ang isang tao ay may mga sinasabing negatibo laban sa mga katunggali nito para lang i-endorso ang kaniyang mga kapartido ay kabaliktaran daw ang nagiging epekto nito sa publiko.
“The more they do these the more they will lose this election,” pahayag ni Adolfo Paglinawan, Political Analyst.
Kaugnay naman sa ginagawang negative campaigning laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy, spiritual leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), hindi na umano ito ang isyu ngayon.
Pagdating sa ekonomiya at kabuhayan ay nagpaalala si Paglinawan sa taumbayan na kailangang pag-isipang mabuti ang mga iboboto ngayong Mayo lalo na sa mga tumatakbo sa Senado.
Follow SMNI News on Rumble