PINAG-AARALAN ng gobyerno ang pagsasanib ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor) upang lumikha ng iisang sistema ng penolohiya at koreksyon.
Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang sa 2nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Regional Correctional Conference sa Puerto Princesa City na layunin nitong bawasan ang congestion sa mga kulungan.
Layon din nitong pagandahin ang case monitoring at reformation programs ng dalawang ahensiya.
Sa ilalim ng plano, maaaring ilipat ang mga pasilidad ng BJMP sa mga rehiyon 3 at 4A upang maibsan ang pagsisikip sa Metro Manila.