KINUMPIRMA na ng Philippine National Police (PNP) ang unang election related incident (ERI) sa gitna ng paghahanda para sa nalalapit na May 12 Midterm Elections ngayong taon.
Batay sa pinakahuling datos ng National Election Monitoring and Action Center (NEMAC) na nakabase sa Kampo Krame, naitala ang naturang ERI sa Region 6.
Habang 2 naman ang Suspected Election Related Incidents na pawang naitala sa BARMM.
13 naman ang Non -Election Related Incidents mula sa Region 6 na may anim, 2 sa Region 2 at tig-isa naman sa Regions 1, 3, 9, 12 at BARMMM.