IKINATUTUWA ng AGAP Partylist ang anunsiyo ng Department of Agriculture (DA) na bukas na sa merkado ang bakuna laban sa African Swine Fever (ASF).
Ito’y resulta ng Quinta Committee hearing kung saan hiniling ng Kongreso na gawing available for commercial use ang AVAC vaccine para sa mga magbababoy.
Ngunit, nanawagan din ang AGAP Partylist sa pamahalaan na pondohan ang pagbabakuna para sa mga backyard hog raisers na walang sapat na kakayahang bumili ng bakuna.
Ibig sabihin, dapat gawing libre o i-subsidize ng gobyerno ang bakuna para sa kanila.
“Ang bakuna kasi ay P12,500.00 ang isang bote na mayroong 50 doses, ibig sabihin 15 baboy ang mababakunahan at ang mga backyard may alagang sampu, dalawampu, tatlumpu, so hindi nila kaya ang P12,500.00,” ayon kay Rep. Nicanor “Nick” Briones AGAP Party-list.
Paliwanag ni Briones, kung walang subsidy mula sa gobyerno, hindi kayang mabakunahan ng mga hog raiser ang kanilang mga baboy laban sa ASF. Ang bakuna lamang aniya ang makapipigil sa sakit.
“Kailangan mabakunahan kaagad ‘yung 6.3 milyon na piglets to fatteners sa buong bansa sa isang cycle and then another 6 months, another 6.3 millions,” saad ni Briones.
Follow SMNI News on Rumble