KASABAY ng pagdiriwang ng kanilang ika-11 anibersaryo inihayag ng Kaibigan Brotherhood Christian Association, Inc. ang kanilang buong pagsuporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy na ginanap sa Oval Grounds sa Valencia City, Bukidnon.
Tinatayang nasa 15,000-20,000 katao ang dumalo kung saan isa si Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga espesyal na panauhin.
Sa harap ng napakaraming dumalo, ipinaabot ng kanyang kinatawan ang kanyang mga nagawa at plataporma para sa bansa at sa bawat Pilipino, na naglalayong magbigay ng mas maunlad at makabuluhang kinabukasan para sa sambayanan.