AASAHANG tataas ang singil sa kuryente sa susunod na buwan.
Imbis na walong sentimo lang per kilowatt-hour ang singil, magiging 11 sentimo na ito sa Marso.
Katumbas ito ng P7 dagdag sa bill ng mga kumokonsumo ng 200 kilowatt-hour sa isang buwan.
Ang dagdag-singil, ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC), ay para pondohan ang mga planta sa renewable energy tulad ng biomass, solar, wind, at hydro plants.