Thailand, bukas na sa mga bakunadong turista

Thailand, bukas na sa mga bakunadong turista

NAGBUKAS na muli ang bansang Thailand para sa mga turista na nakatanggap ng full dose ng COVID-19 vaccine.

Matapos ang labing-walong buwang pagsasara ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic ay nagbukas na ito  at inaasahan ang pagdagsa ng marami pang turista.

Base sa datos ng ASIAN financial crisis  higit 20% ng kabuuang ekonomiya ng bansa ang nawala matapos ang pananalasa ng pandemya ang pinaka mababang porsiyentong nawala noong 1997 na nasa walumpung porsyento lang.

Sa pahayag ng Health Ministry ng bansa, papayagan na nitong makapasok ng Thailand ang higit animnapung bansang napabilang sa low risks at maaari nang hindi dumaan ng hotel quarantine.

Dagdag pa ng ahensya, ang Bangkok Suvarnabhumi Airport at Phuket’s International terminal ang unang tatanggap sa mga darating na mga turista na papasok sa bansa.

Naniniwala naman ang Tourism Minister na si Pipat Ratchakitprakarn na sa taong 2023 aabot na sa sampu hanggang labinlimang milyong turista ang pupunta sa bansa.

Kung maaalala dinaluhan ng higit 40 na milyong turista ang bansang Thailand at ilan sa mga sikat na Tourist destination ay ang mga beach ng bansa.

SMNI NEWS