Magsasakang Top 7 Most Wanted Person ng NCRPO, huli

Magsasakang Top 7 Most Wanted Person ng NCRPO, huli

NAARESTO ng mga tauhan ng Special Maritime Response Team (S.Ma.R.T) NCR ang isa sa Most Wanted Persons ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isinagawang operasyon sa 499 BIR Road, Diliman, Quezon City, batay sa isang Warrant of Arrest na inilabas ng hukuman sa Quezon City.

Ang 36 anyos na suspek ay nahaharap sa kasong panggagahasa o rape at walang itinakdang piyansa.

Nasa kustodiya na ng PNP Maritime Group – Special Maritime Response Team (S.Ma.R.T) at dinala sa Camp BGen Rafael T. Crame, Quezon City para sa dokumentasyon bago ipresenta sa korte.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble